Uumpisahan ko ang blog na eto dahil sa napagbiruan naming mag-asawa ang mga nararanasan namin sa jeep (bluecab) kanina.
Sigurado akong marami sa ating mga commuters ang nakaranas na nito. Yung tipong maluwag nman talaga dapat pero parang ang sikip at ang bigat ng pakiramdam mo. Malamang kasi napagkamalan ka na namang sandalan ng mga taong walang pakialam.
Ewan ko ba? Pero sa tingin ko naman lahat tayo alam natin ang pinagkaiba ng tao sa sandalan di ba. Ang nakakapagtaka nga lang may mga taong hindi yata yun alam. May nagmamaganda lang. O kaya dinadaan ka sa edad.
Sana may makita akong T-shirt na may nakasulat na; "Tao po ako, hindi sandalan". Mapansin pa rin kaya nila? O magsisingisi na lang yung mga nasa harap mo kasi nagmukhang tanga yung tao sa tabi dahil di nya alam ang pinagkaiba ng "tao" at "sandalan".
Marami pa akong kwentong Jeepney na sana magustuhan niyo. Till next time. Bayad oh. Ouch biglang nakatulog lahat ng pwedeng mag-abot ng bayad. hahaha.
No comments:
Post a Comment