Wednesday, December 14, 2011

Jeepney Series - Komportable ka ba?

Komportable ka ba?

Tanong yan ng kaibigan namin sa katabi nya sa jeep.

Sumagot naman si mokong, "Oo"

"Pwes ako hindi umaayos ka nga ng upo mo", sagot ng kaibigan namin.

O loko.

Eto kasi ang mga bagong sakay na na sobra makasiksik at mas komportable pa sayo kung umupo.

Worst, eh ikaw pa ang pasaway dahil ayaw mo magpasiksik.

O di kaya eh, ang braso at siko ay nasa tapat na ng mukha mo.

Minsan pa eh gagawin kang patungan ng mga binili nya o kaya ng bag niya.

Ikaw komportable ka ba kung umupo sa jeep? ^_^

Jeepney Series - I am beautiful

Maganda ako.

Dito ako sa dulo uupo para makita ninyo ako.

Makita ninyo ang touch phone ko.

Pero hindi ako mag-aabot ng bayad.

Bakit?

Kase nga maganda ako.

Bow.

Yan ang description ko sa nakasabay ko kanina. ^_^

Midnight Appointee

CJ Corona
Reaction on being a midnight appointee of GMA.
Bakit po ba? Para sya ang makapagtalaga ng CJ n hawak nila sa leeg?

My Reaction:
Parang mo na ring sinabing hawak ka sa leeg ng nagtalaga sa iyo.

Suggestion:
Kung seperate dapat ang judiciary, mas maganda cguro kung wala ng pangulo pa ang pwedeng magtalaga ng isang CJ sa halip ay magbotohan na lamang sa supreme court ang mga abogado.