Mama Bayad oh!!! Bayad Oh Mama!!! Oh Mama Bayad!!! Mama Oh Bayad!!!
(from a comic book na nalimutan ko ang title) Sorry po sa author ng book.
Bago nya nasabi ang mga kataga sa itaas, eh humugot muna sya ng hangin para malakas at hindi sya mahirinan. Sa mga sadaling iyon eh busy ang lahat ng mga nakasakay na malapit sa driver ng jeep sa pakikipagkwentuhan . Pagkasabing pagkasabi nya ng "Mama bayad oh!!!" Walang nag-abot.
Biglang tulog ang lahat.
Bayad Oh Mama!!!
Oh Mama Bayad!!!
Mama Oh Bayad!!!
Wala pa ring nag-abot. Nagkabuhol-buhol at nangangawit na sya sa pag-aabot ng bayad eh tsaka lang me kumuha nito. Sa wakas nakapagbayad na rin sya. Kaso yung katabing nyang matanda na nasa bukana ng jeep eh biglang nag-abot ng bayad. Kaya ayun...
Mama Bayad!!!
Mama Bayad Oh!!!
Bayad Oh Mama!!!
Oh Mama Bayad!!!
Mama Oh Bayad!!!
Nakakainis ang mga ganitong pangyayari sa jeep pero aminin nyo nakakatawa din kung isisipin di ba?
Meron pang, titingnan lang yung kamay mo tapos tatalikod na. Ang mga paborito naming linya na mag-asawa, habang iniaabot ulit ang bayad, ay ang mga sumusunod:
"Maganda ako hindi ako mag-aabot ng bayad"
"Mayaman ako hindi ako mag-aabot ng bayad"
Isa pa ay yung pahinhin effect.
"Mama bayad oh" in a very soft voice. (ganda pakinggan, wait ulit)
"Mama bayad oh" sa napakahinang boses na parang katabi nya lang ang driver at nagbubulungan sila.
Minsan, may sapak yata ang kasama ko, ginaya nya tuloy ang boses nung nag-abot ng bayad.
"Mama bayad daw oh" sa napakahinang boses na parang katabi nya lang ang driver at nagbubulungan sila.
Tawanan lahat ng mga pasahero.
Eh may sukli pa kaya;
"Ate sukli mo oh" (syempre kasing hina ulit ng boses nya). hahaha.
Hindi pa nadala.
Nung bababa na sya;
"Mama para po" (sa mahinang boses ulit). Eh sa hina ng boses nya nakalampas tuloy.
"Mama para po" (sa mahinang boses pa rin, pero may inis na). Para di na magpapaulit-ulit ang mahina nyang boses, dahil nauubusan na ko ng pang describe sa boses nya, nakababa din ang ale na nainis pa sa driver.
Oh wag nyo ng itanong kung sinigawan ba nya yung driver.
Pag-andar ng jeep nagbuka ako ng bibig pero walang lumalabas na salita. Nagtanong yung asawa kung ano daw sinasabi ko. Ang sinabi ko sa asawa ko ay:
"Mama para!" Mama para na!" "Mama!! Para!!! Ang bingi bingi mo!!!" "Hindi mo ba ako naririnig" (pero lahat ng yan eh lipsync lang)
Nagtataka o naiinis pa kasi sila kung bakit di sila naririnig ng driver.
Kung bingi ka, dapat malakas ang boses mo kasi di mo naririnig ang sarili mo.
Pero kung nakakarinig ka ng maayos at mahina ka magsalita pag mag-aabot ng bayad o bababa; anong tawag sa iyo? (sana may makasagot)
"Sa nakakaalam ng title ng book na nabanggit sa taas, kung familiar po kayo pakilagay na lang po comment para maupdate ko ang blog ko. Eto ay bilang paggalang sa may-akda ng libro. Salamat"
Wednesday, November 9, 2011
Jeepney Series - Tao po ako
Uumpisahan ko ang blog na eto dahil sa napagbiruan naming mag-asawa ang mga nararanasan namin sa jeep (bluecab) kanina.
Sigurado akong marami sa ating mga commuters ang nakaranas na nito. Yung tipong maluwag nman talaga dapat pero parang ang sikip at ang bigat ng pakiramdam mo. Malamang kasi napagkamalan ka na namang sandalan ng mga taong walang pakialam.
Ewan ko ba? Pero sa tingin ko naman lahat tayo alam natin ang pinagkaiba ng tao sa sandalan di ba. Ang nakakapagtaka nga lang may mga taong hindi yata yun alam. May nagmamaganda lang. O kaya dinadaan ka sa edad.
Sana may makita akong T-shirt na may nakasulat na; "Tao po ako, hindi sandalan". Mapansin pa rin kaya nila? O magsisingisi na lang yung mga nasa harap mo kasi nagmukhang tanga yung tao sa tabi dahil di nya alam ang pinagkaiba ng "tao" at "sandalan".
Marami pa akong kwentong Jeepney na sana magustuhan niyo. Till next time. Bayad oh. Ouch biglang nakatulog lahat ng pwedeng mag-abot ng bayad. hahaha.

Subscribe to:
Comments (Atom)