Wednesday, December 14, 2011

Jeepney Series - Komportable ka ba?

Komportable ka ba?

Tanong yan ng kaibigan namin sa katabi nya sa jeep.

Sumagot naman si mokong, "Oo"

"Pwes ako hindi umaayos ka nga ng upo mo", sagot ng kaibigan namin.

O loko.

Eto kasi ang mga bagong sakay na na sobra makasiksik at mas komportable pa sayo kung umupo.

Worst, eh ikaw pa ang pasaway dahil ayaw mo magpasiksik.

O di kaya eh, ang braso at siko ay nasa tapat na ng mukha mo.

Minsan pa eh gagawin kang patungan ng mga binili nya o kaya ng bag niya.

Ikaw komportable ka ba kung umupo sa jeep? ^_^

No comments:

Post a Comment